Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!


Maraming mga netizens ang hindi napigilang maantig sa larawang ito ng isang mag-ama na mahimbing na natutulog sa isang tambak ng basura sa isang estero. Ang larawan ng mag-ama na ito ay pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens.


Magkayakap pa ang mag-ama habang natutulog sila. Talaga namang masakit sa damdaming makakita ng ganitong klase ng sitwasyon.
Lalo na sa ngayon na marami sa atin ang kumakaharap sa isang matinding pagsubok dahil sa nakakahawang sakit na COVID-19 na marami nang pinahirapang mga Pilipino at kinitil na buhay. Ang viral na larawan ng mag-ama na ito ay ibinahagi ng Facebook page na “Bayan Ko”.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong detalye kung saan kuha ang larawan na ito o kung paano napunta ang mag-ama sa naturang kalagayan. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine kung saan ang lahat ng mga tao ay inaasahang manatili sa loob ng kanilang mga tahanan upang mabawasan at hindi na tuluyan pang kumalat ang sakit na COVID-19.


Kung paano nga naman ang mga taong walang sariling mga tahanan? Paano na ang kanilang magiging sitwasyon sa ngayon?
Maraming mga netizens ang nananawagan sa mga otoridad na sana ay mabigyan ng tulong ang mag-ama dahil sa hindi talaga biro ang kanilang kalagayan. Hindi lamang delikado sa lugar na ito ngunit mas magiging malaki din ang tyansang makakuha sila ng sakit sa maruming kapaligiran na ito.

Bilang isang magulang, tunay nga na wala tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng ating mga anak. Kung kaya naman marahil ay kahit naisin pa ng ama na ito sa larawan na magkaroon ng matutulugan ang kaniyang musmos na anak ay wala itong magawa kundi makuntento na lamang at pagtiyagaan ang lugar na ito.
Tunay nga na mahirap ang buhay ng maraming mga Pilipino, ngunit kung tayo ay magtutulungan upang kahit papaano ay maging maayos ang buhay ng isa man lamang sa atin, tiyak na kahit papaano ay mayroong magiging pagbabago.

Blog Views

Popular posts from this blog

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection