Residente, sinigawan at pilit na itinataboy ang mga seafarers na dapat sana ay tutuloy sa isang hotel!
Napakahirap ng sitwasyon natin sa mga panahong ito dahil sa lalo pang pagdami ng mga taong apektado ng COVID-19. Ang ating bansa ay hindi tulad ng maraming mga bansa sa ibang panig ng mundo na mayaman at malakas.
Nakakalungkot isipin na sa tulad nating mayroong mahirap na pamumuhay ay lalaganap ang sakit na ito na hindi nakikita at agad agad na nakakahawa lalo na kung mahina ang iyong resistensiya. Mas malaki din ang tyansang mahawa ang mga buntis, bata at mga taong may edad na o matatanda na.
Sa kabila ng mahirap na kalagayan ng marami sa atin ngayon dahil sa krisis na nananalanta sa maraming mga bansa sa buong mundo ay nanatili pa ring positibo, matatag, at nagtutulungan ang marami sa atin. Nakakalungkot lamang talagang malaman na mayroon pa ring mga Pilipino na hindi man lamang magawang magmalasakit sa kanilang kapwa Pilipino.
Tulad na lamang ng isang matandang residente na grabe kung ipagtabuyan at pagsalitaan ang ilang mga seafarers na papasok sana sa isang hotel. Ang nakakadismayang pangyayari ay kitang-kita sa Facebook Live ng Facebook user na si Juancho Matias.
Talaga namang kahit sino ay magagalit at maiinis lalo na kung sila mismo ang nasa katayuan ng mga kapwa niya Pinoy na kaniyang itinataboy at sinisigawan dahil lamang ayaw nilang doon mamalagi ang mga naturang seafarers. Natatakot kasi ang mga residenteng mahawa sila ng sakit na COVID-19 dahil sa pamamahalagi ng mga taong ito malapit sa kanilang tirahan.
Dahil na rin sa maraming mga bansa ang apektado ng krisis na ito ay kinakailangang umuwi ng ating mga OFW sa kani-kanilang mga probinsiya. Naipaliwanag na rin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na natapos na ng mga seafarers na ito ang kanilang quarantine period at nabigyan na rin sila ng certfificate bago pa man sila pinayagang makauwi.