Sa halagang P150,000 ay nakapagpundar ng maganda at maayos na tahanan ang mag-asawang ito mula sa Bukidnon!


Pangarap ng maraming mga pamilya ang magkaroon ng sarili nilang tahanan. Bahay at lupa na masasabi nilang pagmamay-ari nila talaga.




Masarap sa pakiramdam na hindi mo na kakailanganin pa na magbayad buwan buwan ng renta at pagkatapos ng maraming mga taon ay hindi rin naman magiging sa iyo ang tahanang binabayaran mo. Kung kaya naman talagang kinabiliban at hinangaan ng marami ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Chang Agbon Villacuer Alipio dahil sa nakapagpatayo silang mag-asawa ng sarili nilang bahay sa halagang P150,000.


“Papost po dito share ko lang bahay namin kahit hindi pa tapos sariling sikap ng asawa ko kahit sa gas station lang nagtatrabaho.. para makabukod kami at may sariling bahay kahit simple lang. Sa mga nagtatanong kung magkano na po ung nagastos namin nito mga 150 (thousand pesos) mahigit kasi ung mga kahoy na gamit dito samin, may bukid kami may mga tanim kahoy.” Pahayag ni Chang.


Pinayuhan din niya ang maraming mga netizens na huwag mawalan ng pag-asawa dahil sa kung nais mo talagang makamit ang iyong pangarap ay tiyak na magagawa mo rin ito kung mas magiging matiyag ka lamang at determinado.


“Kaya sa may balak magkabahay, walang imposible kung gugustuhin. Kami nga na simple lang buhay namin dito nakaya naming. Sana diyan sa post naming bahay may nakuha kayong mga ideas.” Dagdag pa niya.
Maraming mga netizens ang nagkomento rito at talaga namang namamangha sila na sa halagang iyon ay nagawa nilang makapagpatayo ng sarili nilang tahanan. Maganda rin naman ang kinalabasan ng kanilang pagpapagawa dahil ayon na rin sa nagpost nito ay mayroon silang mga kahoy sa kanilang bukid kung kaya naman nakamura na rin sila sa pagpapatayo ng kanilang sariling tahanan.


Tunay nga na kahit mahirap ang buhay at sa gasoline station nagtatrabaho ang kaniyang mister ay napagsumikapan nilang dalawa na maitayo ang sarili nilang tahanan para sa kanilang pamilya at upang makabukod na rin sila.

Blog Views

Popular posts from this blog

Inubos ng Milyonaryong ito Lahat ng kaniyang Pera at Ari-arian upang ipamigay sa mga Nangangailangan

Sanggol Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas