Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob
Isa sa mga tradisyunal na bahay na matatagpuan sa Pilipinas ay ang bahay kubo. Gawa sa ito sa kahoy, kawayan, nipa o kaya ay sawali. Karamihan sa mga bahay na matatagpuan sa mga baryo-baryo ay mga bahay kubo dahil bukod sa mas mura ang mga materyales na ginagamit rito ay mas presko pa ito kumpara sa mga bahay na gawa sa kongkreto.
Ngunit huwag basta-batsa ismolin ang bahay na ito dahil katulad ng isang pamilyang ito na matatagpuan sa Libona, Bukidnon, ipinasilip nila ang kanilang munting bahay na bahay kubo sa labas pero ang loob nito ay moderno ang pagkakadisenyo.
Ibinahagi ng may-ari ng bahay na si John Paul Cortes Lamoste ang kanilang dream house na kanilang naipatayo nito lang magsimula ang ECQ.
Sa halagang P130,000 ay nabili nila ang lupang kinatatayuan ngayon ng kanilang bahay. At noong magsimula ng gawin ang bahay, imbes na dalawang tao sana ang magtatrabaho ay naging isa na lang ang makakatulong upang mabuo ang kanilang dream house gawa ng hindi na nakapagtrabaho ang nakuha nilang karpintero dahil sa quarantine.
Nakakabilib naman dahil kahit kulang ang kanilang manpower ay nakayanan ng kanilang mangagawa na tapusin ang kanilang bahay. Siya na ang naging engineer, architect, mason at labor.
Ang kanilang natirang pera na P150,000 ay kanilang pinagkasya upang mabuo ang kanilang 200 sqm dream house nilang mag-asawa. Upang ma-maximize ang kanilang perang inipon sa pagpapagawa ng bahay ay mas pinili nilang gawing simple lamang ang itsura ng labas nito.
Ngunit pagkapasok naman sa loob ay doon nila ipinakita ang modernong interiors nito. Iyon daw talaga ang plano nilang mag-asawa, na simple lamang ang labas pero sa loob ay maganda at maaliwalas.
Kumpleto na rin ang loob ng bahay dahil mayroon na itong sala, kusina, bedroom, kiddie room, at banyo. Ang kanilang bakuran ay gagawin naman nilang garden na taniman ng mga prutas at gulay.
Samantala, maraming netizens naman ang nabighani sa bahay ni Lamoste. Dagdag niya, "Kahit simple lang po yung bahay namin napaka-fulfilling."
Nais niyo rin bang magkaroon ng ganitong simpleng bahay?