Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya


Sa hirap ng buhay ng ngayon, maraming tao ang madaling masilaw at matukso sa pera. Kung ikaw ang nakapulot ng malaking halaga ng pera sa basura, ano ang iyong gagawin? 

Maaaring karamihan ang magsasabi at aamin na ibubulsa na lamang ito. Ngunit mayroon pa rin namang may mabubuting kalooban na ibabalik nila ito sa may-ari o isusurrender sa kinauukulan.

Katulad na lamang ng isang mabuting basurero na ito na si Emmanuel Romano na taga Baliwag, Bulacan. Bilang isang garbage collector, siya ay mayroon lamang napakaliit na sweldo na pinagkakasya sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.


Habang nangongolekta ng basura, siya ay nakatagpo ng isang plastic na naglalaman ng limpak-limpak na pera na may halagang halos kalahating milyon. 

"Kinabahan po ako, nakita ko po yung pera, tinabi ko po muna sa gilid. Di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko." wika niya.

Nasa mismong palad na niya ang malaking halagang pera pero gayunpaman ay hindi sumagi sa kanyang isip na pag-interesan o ibulsa ang pera na hindi naman niya pinaghirapan. Malaking tulong na sana ito sa kanyang pamilya lalo na ang kanyang sanggol ay may sak!t at kailangang ipagawa ang kanilang bahay.


Ngunit mas nangibabaw ang kanyang kabutihang loob kaya naman nagtungo siya sa barangay para doon isauli ang napulot niyang pera. Nagkataon naman na may nagreport tunkol sa nawawalang pera.

Nang magkaharap si Emmanuel at ang may-ari ng pera ay tuwang tuwa ito. Paliwanag ng may-ari  na kaya napunta sa basurahan ang pera ay dahil napagsaraduhan sila ng bangko at saka inilagay sa isang supot. Na akala naman ng kanyang mister na ito isang basura kaya ito ay naitapon sa basurahan.


Sobrang laki ng pasasalamat ng may-ari ng pera kay Emmanuel. Kaya naman bilang gantimpala ay binigyan ito ng tulong pinansyal at nangako ng iba pang tulong.

Kinilala rin siya sa lokal na pamahalaan at ginawang regular sa kanyang trabaho. Napatingin na rin nila ang kanilang sanggol sa isang duktor.

Mabuti na lamang at ang nakapulot ng pera ay may napakabuting kalooban. 

Blog Views

Popular posts from this blog

Misis Sinundan Ang Kotse Ng Mister At Nahuli Sa Akto Na Sakay Ang Kanyang Kabit

Bride Sobrang Napahiya ng Sampalin ng Malakas ng Groom Habang Nagsusubuan ng Cake.

Nakaka-iyak isipin, Nagbibilang ng Baryang inipon para sa Operasyon ng kaniyang Anak

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki

Ito Na Pala Ang Itsura Ng Ilang Parte Ng Japan Dahil Sa Bagyong Jebi ☔