Isang Netizen Nag-Order sa Isang Shopping App, Naloko at Nakatanggap ng Bato!


Likas sa atin ang humanap ng paraan para mapabilis ang mga gawin at iba pang transaksiyon natin sa araw-araw. Mabuti na lamang at nariyan ang teknolohiya na siyang tumutulong upang magawa natin ito. 

Sa katunayan, kahit pamimili ng mga kailangan nating gamit o pagkain ay naidadaanan na rin online. Naging negosyo na nga ito ng ilan sa ating mga kababayan at talaga namang nakakapagbigay ng magandang serbisyo sa mga taong wala ng oras para bumyahe at makipagsiksikan sa mga pamilihan. 

Ngunit hindi lahat ng transaksiyon sa online ay maaring mapagkatiwalaan kaya naman hindi nakakalimot ang mga autoridad sa pagbibigay ng paalala sa bawat mamimili na siguraduhing legit ang online store na kanilang pagbibilhan.


Kaugnay nito, isang netizen ang kamakailan lang ay nagbahagi ng kaniyang hindi kaaya-ayang karanasan matapos niyang bumili sa online shop.

Pagbabahagi ni si Jay-Anne Kristi Mauricio Pame sa kaniyang Facebook Account kung paano ito nadismaya matapos makita na iba ang laman ng karton na nai-deliver sa kaniya.


Kwento nito, nag-order siya noon sa isang online app ng baterya subalit ang naipadala sakaniya hindi ang tamang item na kaniyang binayaran!

Pinick-up raw ito ng kaniyang asawa at nagbayad sa delivery fee na nag kakahalaga ng Php, 1,800 pesos at nang kaniya itong buksan, dismayado si Kristi dahil imbes na baterya ang laman ng karton ay bato ang laman nito!


"Tinawagan ko iyong nag-deliver, sinabi ko iyong laman ng package. Kinausap ko na balikan ‘yung husband ko at ibalik ‘yung pera kasi ‘yung laman ng package ay bato. Sabi ng delivery man, ‘Ma’am hindi ko na po maibalik ang pera kasi napadala ko na po sa palawan," kwento ni Kristi sa kaniyang Facebook post.

Nakausap rin ni Kristi ang may-ari ng pinagbilhan niyang online store at sinabi nitong tama ang item na inilagay nila sa karton at maaring napalitan ito sa bodega ng Ninja Van na siyang nagdeliver ng kaniyang order.


Mahaba ang naging proseso ng kanilang pag-uusap at humingi naman ng paumanhin ang may-ari ng store sa hindi magandang naranasan ni Kristi bilang kanilang customer. 

Naibalik rin ang pera na kaniyang naibayad ngunit nabawasan na ang gana niya sa pamimili online. Binalaan niya rin ang kapwa niya netizens na maging doble ingat sa mga transaksiyon na gagawin online lalo na at mayroon itong kasamang pera.

Kaya naman maging babala sana ito sa mga mahilig bumili sa online store na tignan muna ng mabuti at i-check ng tama ang pinagbibilhan bago makipag-transact at iabot ang pera upang sa gayon ay hindi kayo maloko

Blog Views

Popular posts from this blog

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Matandang Tindero naiyak na lang ng malamang pekeng pera ang binayad sa kanya at hindi makabili ng gamot

Sanggol Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen