Mag-ama Naninirahan Na Lamang Sa Maliit Na Kariton Matapos Mawalan Ng Trabaho Ng Ama
Napakalaki talaga ng epekto ng pandemya sa ating buhay ngayon. Bukod sa pag-iingat upang hindi mahawa ng sak!t na Covid-19, ay labis ring naapektuhan ang paghahanap buhay ng karamihan sa mga Pilipino.
Katulad na lamang ng mag-ama na ito na ngayon ay naninirahan na lamang sa isang maliit na kariton matapos mawalan ng trabaho ang ama bilang isang construction worker. Ang masaklap pa rito ay umaasa na lamang sila sa mga bigay na ayuda dahil ni makain ay wala na sila.
Nakilala ang ama bilang si Rodel Mojica, 46 taong gulang na kasama sa mga nawalan ng trabaho sa construction. Lalong mas mahirap ang kanyang pinagdadaanan dahil kasama niya ang kanyang 4 na taong gulang na anak na si Ruben na kailangan rin niyang buhayin.
Ngayon ay nakatira na lamang ang mag-ama sa isang 1x2 metrong kariton na binuo ni Rodel na gawa sa pinagtagpi-tagping mga plywood. Ito ang nagsisilbi nilang bahay na nakaparada sa may Pasig River sa may Guadalupe sa Makati City.
Napakasikip at napakaliit ng kanilang tinitirhan ngunit tinitiis na lamang ito ng mag-ama. Makikita na mayroon ding mga gulong ang kanilang kariton-bahay upang mas madali silang makahanap ng lugar kung saan paparada ito para sila ay makapagpahinga.
Nilagyan rin ito ni Rodel ng mga maliliit na bintana upang kung sila man ay natutulog sa loob ay mayroong pa ring hangin na pumapasok. Maliit man ang kanilang bahay, kahit papaano ay nagsisilbi naman itong tahanan para sa kanilang dalawa.
Marami ang naawa sa kalagayan ng mag-ama at maraming netizens ang nanghihingi ng tulong para sa kanila. Samantala, hinangaan pa rin ang pagiging madiskarte at resourceful ni Rodel dahil nagawan niya ng paraan na magkaroon sila kahit isang maliit na tahanan ng kanyang anak.
Kung iisipin ay mas safe naman nga sila dito sa kariton kaysa na sa gilid mismo ng kalsada lamang sila natutulog. Ngunit, mas mainam pa rin kung mamatulungan sila upang magkaroon sila ng mas maayos na tirahan at muling makabangon ang mag-ama at makabalik muli to sa paghahanap-buhay.