Mga Residente Sa Nueva Ecija, Nagulantang Sa Biglaang Paglitaw Ng Isang Lumubog Na Bayan Noon
Matatandaan na ilan sa ating mga ninuno ay nagkwento tungkol sa isang bagay na nawala at kusa itong bumalik. Ito ay tinatawag nilang mahiwan...
Matatandaan na ilan sa ating mga ninuno ay nagkwento tungkol sa isang bagay na nawala at kusa itong bumalik. Ito ay tinatawag nilang mahiwang pangyayari, dahil di umano merong ilang lugar or di kaya naman mga pangyayari na nawala na ay bigla bigla nalang itong bumalik.
Kung ating babalikan ang mga kwento tungkol sa mga lugar na nawala na ay mamamangha nalang tayo pag ating nalaman na ito ay makikita na sa loob ng mahabang panahon.
Kagaya nalamang sa nangyari sa isang bayan ng Nueva Ecija. Ayun sa mga residente dito, ikinagulat nila ang pangyayari matapos ang isang parte na bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija ay lumitaw matapos na lumubog ito taong 1974.
Ang ilan sa mga litrato ay nakunan mismo ng isang residente dito na si Kashiee Recio. Ayun sa kwento ni Kashiee, dati raw ay tanging crus lang ang makikita nila dito kaya naman laking gulat niya na para bang isang bayan na ito.
Nagulat sila ng makita nila ang lumang sementeryo at ang dating bantayog ni Dr. Jose Rizal
Ayun sa eksplenasyon ng Tourism Officer na si Emisonia Gante, inilipat ang daw mga residente dito sa isang resettlement area dahil daw ginawan ito ng dam para may sapat na suplay ng tubig ang ibang residente sa ibang bayan, lalo sa na parte ng bukirin sa gitnang luzon.
Kaya naman taong 1974 naisaad na ang bayan na ito ay tuluyan na ngang lumubog.
Ito rin ay ginawang tourist spot kung saan marami ang dumadalaw dito. Ngunit, sa panahon ngayon labis na ipinagbabawal ang pag dalaw dito dahilan sa lumaganap na Covid19.