Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Batang Ito Na Nagtitinda Ng Mangga
Likas sa mga bata na naglalaro dahil parte ito ng kanilang paglaki. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, minsan sa murang edad pa lamang nila ay kinakailangan na nilang tumulong sa kanilang mga magulang upang matustusan ang kanilang araw-araw na pangangailangan.
Ang kanilang murang isipan ay maagang namumulat sa ang mga pagsubok ng buhay na hindi pa naman dapat nila nararansan. Katulad na lamang ng isang batang ito na nakapukaw sa atensyon ng mga netizens.
Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Iwa Yan ang mga larawan ng isang batang lalaki na may suot na dilaw na sando na nakaupo sa mga hagdan ng Barba Sports Complex sa Toledo City sa Cebu
Nakuhanan niya ang photo na ito noong naganap na 'Binibining Toledo Talents Night' dahil naging make-up artist siya ng mga candidates.
Nainspire si Yan dahil sa murang edad pa lamang ng bata ay tumutulong na siyang maghanap buhay at kahit gabi na ay nagtitinda pa rin ito ng mangga.
Makikita rin sa mga larawan na tila madami-dami pa ang mga manggang nakasupot na kailangang maibenta ng bata.
"I posted this photo not for popularity but to be able to inspire other people especially the CHILDREN. We keep on complaining about everything why not appreciate and give thanks for all the blessings we received each day. Be grateful."
Dagdag ni Yan na kahanga-hanga ang batang ito dahil sa murang edad ay nakakatulong na siya sa kanyang pamilya at magsilbi sana siyang inspirasyon para sa iba na pahalagahan ang mga biyayang natatanggap araw-araw
Samantala, maraming netizens rin ang naantig sa batang ito at umani ng mga reaksyon at komento.
"Pls buy kung anong itininda niya."
"Taga saan to? Kawawa naman."
"You'll be a successful business man someday. God bless you boy."
"God will provide on you. God bless you."