Netizen, Ibinahagi ang Larawan ng Isang Delivery Man na 1 Oras Umanong Pinaghintay ng Customer


Naawa at nahabag ang isang netizen kaya naman ibinahagi niya online ang kalagayang kanyang nasaksihan dahil matiyagang naghihintay ang isang delivery man ng isang online shopping sa kanyang customer. Ang post ni Bea Aspiras ay umagaw ng atensyon ng mga netizen. Kaya naman nag-viral ang lawaran at umabot ng 21,000 shares.

Ayon kay Bea, nais niyang maging aware ang lahat sa kalagayan rin ng mga delivery man. Ang larawan ay nagpapakita na hindi lahat ang pinagdadaanan ng mga delivery man ay alam ng nakararami. Minsan sila pa ang pinagbubuntungan ng galit ng ilang customer. Ayon kayBea, naawa siya sa delivery man dahil kahit mainit ay matiyaga itong naghihintay ng isang oras.



Kahit noong dumating ang customer ay wala umano itong bahid ng galit kahit tirik na tirik ang araw. Makikita sa mga larawan na nagkaupo sa isang tabi ng daan ang delivery man habang nag-aantay. Namangha si Bea sa ipinakita ng delivery man, bagama’t may matanda na umano ito ay nagagawa pa rin nito ng tama ang kanyang trabaho.

Dagdag ni Bea, dapat respetuhin natin sila dahil matiyaga nilang ginagawa ang kanilang trabaho. Ngayon lang daw ito nagpost ng ganito dahil sa nasaksihan nito. Naawa daw ito sa delivery rider dahil naghintay ito ng matagal at nang lumabas ang customer ay binate nito ang customer ng nakangiti. Kaya naman ayon kay Bea hindi daw nito deserve ang maghintay dahil matanda na din di umano ito. Kinakailangan din nilang bigyan ng konsiderasyon ang mga delivery man dahil hindi madali ang magbilad sa araw habang hinihintay ang customer.

Blog Views

Popular posts from this blog

Inubos ng Milyonaryong ito Lahat ng kaniyang Pera at Ari-arian upang ipamigay sa mga Nangangailangan

Sanggol Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas