Bag na may Laman na P2.7m na Naiwan at isinauli ng nag Titinda ng Gulay Reward Tinanggihan
Ang kabutihang loob ay hindi basta basta mababayaran o mananakaw man. Hindi naka- base sa antas ng buhay ang pagiging matapat sa isang pagkakataon.
Ang pagiging matapat ay isang mapanghamong desisyon sa iyong buhay. Nasa saiyo kung ikaw ay papanig sa iyong konsensya o hindi.
Katulad na lamang ng isang tindera ng mga gulay sa Laoag, Ilocos Norte na ito na di nag atubiling isauli ang isang bag na nag lalaman ng Php2.7 milyon na siyang hinangaan naman ng mga netizens dahil sa katapatan nito.
Ang kabutihang taglay ng tinderang pinangalanang Alice Baguitan ay umabot pa sap ag babalita sa GMA News Onine “Balitambayan”.
Ayon sa kaniya, siya raw ay kumakain sa isang fast food restaurant nang mayroong tumabi sa kaniyang isang babae na may bitbit na bag na di inaakalang malaking pera pala ang nilalaman nito.
Ang babaeng kaniyang nakatabi ay bigla na lamang nagmadaling umalis malamang ay nagkaroon ng emergency.
Kaya naman nalimutan ang bag na itinabi sa may paanan ni Alice kaya’t nawala sa kaniyang isip.
Mabuti na lamang ay narinig I Alice ang paroroonan ng babaeng nakaiwan ng bag na may laman ng napaka laking halaga ng pera.
Sa sobrang halong tuwa at lungkot ng babaeng may-ari, agad niyang niyakap ng mahigpit si Alice. Pilit itong inabutan ng pera bilang reward ngunit tinanggihan ito ni Alice.
Dagdag pa niya, hindi lang daw ito ang kauna unahang beses na nag sauli siya ng pera o bagay na hindi sa kaniya at nagkakahalaga ng malaki.
Pinanghahawakan niya anganiniwalang Diyos na ang bahalang magbalik sa kaniya ng mga blessings ng kaniyang pagiging matapat.