Inubos ng Milyonaryong ito Lahat ng kaniyang Pera at Ari-arian upang ipamigay sa mga Nangangailangan
Si Ali Banat ay ipinanganak sa Australia noong Pebrero 16, 1982. Isa siyang Australian businessman. Sa murang edad pa lamang, nagmamay-ari na si Ali ng security at electrical company.
Si Ali ay ipinanganak na mayaman. Ang kaniyang mga magulang ang siyang nagmamay-ari ng sikat at malalaking international company sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng ninanais niyang bagay ay ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Siya ay nakapagtapos sa isang prestihiyosong paaralan. At sa edad na 33, nakapagpatayo na siya ng security at electrical company na talaga namang sumikat ng husto.
Ang kaniyang marangyang pamumuhay ay hindi lingid sa kaalaman ng marami. Madalas ay makikita ang kaniyang mga mamahaling mga relo at sasakyan. Maging ang kaniyang closet ay punong puno ng mamahaling damit.
Dahil sa marangyang pamumuhay at nakukuha niya din lahat ng materyal na bagay na nais niya, tila wala ng kahit ano pang hinihiling na ibang bagay si Ali.
Ngunit lahat pala ng ito ay panandalian lamang. Dumaan siya sa maraming check-up at doon napagalaman na siya ay mayroong c@nc3r. Ang mas masaklap pa dito ay ang sakit niya ay nasa stage 4 na at binigyan na ng doctor ng taning ang kaniyang buhay.
Sobrang nalungkot si Ali nang malaman ang tungkol sa kaniyang sakit. Ngunit, kung tutuusin mapapahaba niya pa ang kaniyang buhay dahil na din sa dami ng kaniyang pera at maaari siyang sumailalim sa iba’t ibang treatment para mapahaba pa ang pitong buwan na ibinigay ng doctor sa kaniya.
Ngunit naisip ni Ali na magsasayang lamang siya ng lakas at pera dahil mam@m@tay din naman siya. Habang nakahiga sa kaniyang kama, naisip ni Ali na sa loob ng mahigit na 30 taon niya sa mundo ay tila wala pa siyang nagagawang kapaki-pakinabang na bagay. Dahil dito, naisip niya na gawing makabuluhan ang nalalabi niyang mga araw sa mundo.
Kaya naman naisip niyang tumulong sa kapwa na lubos na ngangailangan. Napabago din ng kaniyang sakit ang pananaw niya sa buhay. Nagdesisyon siyang ibenta ang kaniyang mga mamahaling sasakyan, relo, damit, at maging ang kaniyang bahay.
Lahat ng pinagbentahan niyang ito ay ibinigay niya sa charitable Muslim organization sa iba’t ibang panig ng mundo. Nais niya na bago siya mawala sa mundong ito ay masasabi niyang may nagawa siyang mabuti para sa kaniyang kapwa at hindi din masasayang ang mga araw na nalalabi sa kaniya.
Habang siya ay malakas pa, una niyang pinuntahan ang Africa upang magbigay tulong dito. Alam naman natin na isa ang Africa sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo. Sinunod niyang puntahan ang nasa 100 pang bansa sa buong mundo.
Gamit ang sariling pera, nakapagpatayo si Ali ng pre-school para sa mga bata, ospital, at pabahay para sa mga nangangailangan. Sa lahat ng bansa na kaniyang pinuntahan ay nagbibigay siya ng tulong sa mga ito. Maging ang mga liblib na lugar ay pinuntahan niya din.
Sa isang lugar na kaniyang pinuntahan, ang mga tao ay hirap sa pagkuha ng tubig. Kaya naman naisip ni Ali na magpatayo ng tubigan at deep well para sa mga ito.
Marami na siyang napatayong mga bahay, ospital, at maging simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito niya inubos lahat ng kaniyang pera at lakas. Libo libo ding tao sa buong mundo ang natulungan niya.
Sa kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan, napagtanto ni Ali na ang tunay na kasiyahan ay wala sa materyal na bagay. Ang lahat ng kaniyang kabutihang ginawa ay nagbigay din ng kapayapaan sa kaniyang puso at isipan.
Sinabi pa ni Ali na ang kaniyang naging sakit ay isang magandang regalo para sa kaniya. Dahil dito, natutunan niya ang totoong halaga ng buhay na ang yaman pala ay kasangkapan lamang sa pagtulong sa kapwa.
Si Ali ay n@m@tay noong Mayo 29, 2018. Ang pitong buwan na taning sa kaniyang buhay ay umabot ng mahigit sa dalawang taon. Siya ay inilibing sa Australia kung saan siya ipinanganak. Napakarami ding tao ang pumunta sa kaniyang burol, mga taong personal na hindi niya kilala upang pasalamatan siya sa pagtulong na ginawa niya sa kanila.