Lolo na Nag Bebenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Wala daw Bumibili Sa Kaniya Pero Tuloy Parin sya sa Pag Luluto


Kung nababasa mo ang artikulong ito, malamang isa ka sa mga maswerteng tao na may tirahan, sapat na makakain sa bawat araw at kaibigan o pamilya na nariyan sa iyong tabi ano man ang mangyari. Napakswerte natin dahil kahit papaano ay nakakakain pa rin tayo tatlong beses sa isang araw kahit na marami tayong mga bayarin sa buhay. 

Paano nalang kung ganito ang mangyayari sa inyo tulad na lamang ng ikinwento ng isang netizen sa Social Media tungkol sa isang matandang lalaki na wala ng kasama sa buhay at kumakayod na lamang mag-isa.


Ibinahagi ng isang concern netizen na nagnangalang Max Udomsak sa Bangkok ang isang matandang lolo na may edad na 78 taong gulang na kumakayod araw-araw sa pagtinda ng pork porridge o lugaw kung saan 34 pesos lamang ang kaniyang kinikita bawat araw. 

Mag-isa na lamang ni Lolo sa kaniyang buhay dahil puman(a)w na ang kaniyang asawa at dalawang anak na dalawang taon nang nakakalipas. Kaya naman si Lolo na lamang ang kumakayod mag-isa para sa kaniyang sarili upang pandagdag sa kaniyang makakain sa araw-araw


Nagbebenta siya ng lugaw na 34 pesos hanggang 40 pesos kung may kasamang itlog subalit walang masyadong bumibili sakaniya. Minsan pa raw ay umaabot ng tatlo hanggang apat na oras na wala itong customer at may mga araw na ni isa ay wala man bumili sakaniya.



Dahil wala siyang benta, hindi na kaya ni Lolo na bumili o umupa pa ng kaniyang matitirhan kaya naman nakatira na lamang ito sa isang luma at abandonang bahay na nasunog noon. Naglalagay na lamang ito ng mga trapal at tarpaulin tuwing umuulan upang hindi siya mabasa kapag matutulog.


Naliligo ito sa isang paliguan katabi ng abandonang bahay subalit madalas daw siyang mahuli ng tagabantay kaya naman binabawalan ito na makiligo.


Nagsisimulang magtinda si Lolo ng alas tres ng madaling araw hanggang hating gabi


Nang mapansin ito ng isang concern netizen ibinahagi nito ang istorya ni Lolo at hinikayat ang iba na puntahan ito at bumili sa kaniyang lugaw. Hindi lamang mura ang kaniyang tinda kung hindi masarap pa raw ito.


Maraming mga netizens ang sumuporta sa post ni Max at ang iba naman ay sinubukan na magpadala ng kaunting tulong para kay Lolo upang maibigay ito ni Max. 

Blog Views

Popular posts from this blog

Celpon na Mataas ang Brightness Resulta Babae nagkaroon ng 500 Butas sa Cornea.

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Dahil Hindi Pinautang ng 10K Panghanda sa Kaarawan ng anak, Galit at M1nura ang Kaibigan

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.