Matandang Pilit Pinababa Ng Mga Pasahero Sa Jeep Dahil Sa Amoy Nito May Nakakaiyak Na Kwento


Kamakailan lamang, isang socmed post ni Peng Contreras Carpo ang kumalat at ito ay tungkol sa matandang lalaki na kaniyang nakasakay sa jeep.

Saad ni Peng na ang kaniyang mga nakasakay ay inirereklamo na ang matandang si Tatay Bert dahil sa hindi maganda ang amoy nito.

Dahil sa mga reklamo ng ibang pasahero, napilitan na ihinto ng driver ang jeep at pinipilit na pababain ang matanda.

Dala na din ng awa, pinigilan ni Peng ang driver at sinabi na siya na ang magbabayad ng pamasahe ng matanda.


Matapos ng pangyayari, nanghingi ng pasensya si Tatay Bert at sinabi na kaya ganon ang kaniyang amoy ay dahil isang linggo na siyang hindi naliligo. Siya ay namamalimos sa Iloilo ngunit siya at taga Guimaras.

Sinabi din daw ni Tatay Bert na naisipan na lamang niyang mamalimos dahil wala ng tumatanggap sa kaniya na trabaho dahil na rin sa kaniyang edad.

Ipinakita din niya ang isang sako na puno ng mga damit at pagkain na kaniyang ibibigay sa kaniyang pamilya. Ang kaniya namang misis ay mayroong sakit at kinakailangan na mabilhan ng gamot.

Matapos malaman ang tunay na kwento ni Tatay Bert, nahiya daw ang mga pasahero dahil sa kanilang pangungutya kay Tatay Bert dahil lamang sa hindi magandang amoy nito.


Habang nagkukwento naman ang matanda, pinilit din ni Peng na huwag umiyak pero nadurog daw ang kaniyang puso sa nasabing kwento.

Ang post naman ay umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens. Ang iba sa kanila ay sinasabi na hindi dapat natin hinushugahan ang mga taong nangangailangan ng tulong. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Mas mbaho ang mga taong nanghuhusga ng kapwa....alamin nyo muna ang mga reason behind bgo kyo manghusga..godbless tatang..."

"wahhhh habang binabasa ko naiiyak aq ang lolo ko at tito ko dating basurero" "God Bless Sayo Bro At God Bless din kay Tatay"

"Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna"

Blog Views

Popular posts from this blog

Pinay na nasa Canada na kinuha ang kaibigan bilang isang yaya nalaman na inaasawa pala ang mister

Batang Pinagdamutan na Makinood sa Kapitbahay Noon Ginulat ang marami sa pag Asenso nito sa Buhay 18 Years makalipas

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines