Nanalo ng Milyon sa Lotto ang Magsasaka na Ito Subalit Naglaho rin Dahil sa Panloloko ng Kanilang Kamag-Anak


Bawat tao ay mayroong pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya kaya naman kaliwa't kanan ang ginagawa nilang pagtatrabaho para maisakatuparan ito. Ngunit dahil na rin sa kahirapan ng buhay at pagtaas ng mga bilihin, madalas ay hindi nagiging sapat ang kinikita ng ilan nating mga kababayan para sa pangaraw-araw nilang pangangailangan. Kaya naman, karamihan sa kanila ay naghahanap ng ibang solusyon para sa kanilang pinagdadaanan sa buhay kagaya na lamang ng pagtataya sa lotto.

Isa na nga sa kanila ang mag-asawa na sina Ernie at Vergie. Pareho silang nanggaling sa mahirap na pamilya at hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral. 


Salat man sa buhay ay masaya ang mag-asawa lalo na at nabiyayaan ng mga supling ang kanilang pagmamahalan. Parehong magsasaka ang dalawa at dahil nga sa ginagawa nilang diskarte ay nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ang kanilang mga anak. Araw-araw din silang nagtataya sa lotto sa pagbabaka-sakaling mapanalunan nila ang jackpot price.


Wala silang inaalagaang numero hanggang sa isang araw ay nanaginip si Vergie ng kumbinasyon ng mga numero at ayon sa kaniyang panaginip ay kailangan niya kaagad itong tayaan. Kaya naman, kinaumagahan ay inutusan niya kaagad ang asawang si Ernie para bumili ng ticket sa lotto ngunit dahil hindi nga ito marunong magsulat ay inutos nalang nila ang pagtaya sa kamag-anak na si Angel.


Nanalo nga ang numero at tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng magandang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mas naging magulo ang buhay nila dahil marami nang tao ang nakakaalam ng kanilang pagkapanalo. 

Ang nakakalungkot pa ay 900,000 lang ang natanggap nilang pera dahil ang iba ay inilagay na sa bank account ni Angel dahil siya ang nakapirma sa tinayaang lotto ticket. Simula noon ay hindi na muli nagpakita sa kanila ang kamag-anak na ito. Maliban dito ay pinagbentahan din sila ng pekeng titulo ng iba pa nilang kamag-anak kaya naman mabilis ding nawala ang pera na kanilang napanalunan.


Sa kasalukuyan ay bumalik nalang ng Bicol ang mag-anak sa tulong na din ng kaniyang tiyahin. Doon ay nagsimula silang muli at patuloy na namuhay ng maayos. Samantala, ang huling balita na narinig nila patungkol sa mga taong nanloko sa kanila ay nagkaroon ito ng malubhang karamdaman.

Talaga namang walang maidudulot na maganda ang panglalamang sa ating kapwa at siguradong sa huli ay may nakalaang parusa ang Diyos sa mga taong kagaya nila.

Blog Views

Popular posts from this blog

Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!