Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato
Madami ang nangangarap na manalo sa lotto dahil nga naman tataya ka lang ng ilang numero sa napakaliit na halaga pagkatapos ay ihuhulog mon a ito at mag-aantay ng anunsyo.
Ngunit paano na lamang kung ikaw na nga ang nanalo? Hanggang saan lang kaya ang aabutin nito lalo na kapag nalaman ng mga kamag- anak at kapit- bahay mo.
Hindi naman pagiging madamot ang pagtatago ng katotohanan na mayroon kang napanalunan na malaking halaga. Ang masama ay ang abusuhin ka sa pera na mayroon ka.
Gamitin ang salitang “kaibigan o kapamilya” para lang makapang huthot sa iyo. Nararapat din namang magbahagi at magbigay basta huwag lang din sobra at magtira ng pang sarili.
Isang matalinong paraan ang ginawa ng taong ito mula sa bansang Jamaica na kung saan siya ang nanalo ng 158.4 Million Jamaican Dollars o ang katumbas ay P53,030,907.
Pinatagal niya ang pagkuha ng kaniyang premyo upang hindi makahalata ang kaniyang mga kamag- anak. Sa katunayan ay lumipas muna ang 54 araw bago niya ito kuhanin.
Noong araw ng pirmahan ay ballot na ballot siya ng putting tela at nakasuot ng “Scream” na mascara upang maitago ang kaniyang hitsura.
Maging ang kaniyang pangalan ay hindi din inilantad at ang tangi niya lang pagkakakilanlan ay bilang A. Campbell.
May katanggap tanggap na rason naman si A. Campbell kaya niya ito ginawa. Ayaw niya daw itong ipamahagi sa kaniyang mga sakim na kamag- anak. Narito ang kaniyang mga pahayag.
“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers”
“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said : I won! I won!”
“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow”
“So I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money”