Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection


Mayroong isang simple tip na ibinahagi ang netizen na si Shawn Matiz para sa mga may problema sa mabagal at mahinang connection ng internet.

Kabilang ka ba sa mga tao na napa-praning dahil sa mabagal na internet connection? Lagi bang 'loading' o 'Please connect to a stable network connection' ang laging lumalabas sa iyong device? May sagot dyan, at makikita mismo sa iyong kusina.
Mayroong isang simple tip na ibinahagi ang netizen na si Shawn Matiz para sa mga may problema sa mabagal at mahinang connection ng internet.
Aniya, sa sobrang dali, kayang kaya na misagawa ito agad sa maikling oras at hindi na kailangang gumastos ng malaking halaga. Wika nga, 'Do It Yourself' na Wifi Booster.



Ayon kay Matiz:
"Sa mga may problem po kay Pldt home wifi, mahina ang signal, share ko lang po yung resolution ko. (Sorry labo po ng pic)
Kagabi to nangyari parang accident lang, dapat yung foil na yan nasa ilalim ng router, then tinanggal ko tapos nilipad ng fan, so ayun dko na sya ginalaw.
Requirement:
1. Aluminium/Aluminum Foil ( wala eto lang )


Width - twice ng sukat ni router, tapos naka fold po.
Height - naman lampas ng 2 inch sa height ni router, tapos slightly bent.
Nakasandal lang yung foil, and then yung naka bent na part acting na parang bubong sya sa grille ni router, pag tinanggal ko yan naku po! 1 bar na putol putol pa ang calls ko
sana po makatulong, Cheers!"


Bagaman aksidente itong natuklasan ni Matiz, may mga article sa mga websites sa internet ang nagtuturo din ng ganitong technique para mapabilis ang internet connection. 
Nagbigay ang naturang website ng tip gaya nang pagpu-pwesto ng router sa open space, kung saan walang harang at dapat na mataas na lugar. Kailangan na sakto lang ang dami ng device na nakakonek sa router. Kung hindi masusunod ang mga ito, asahan na ang mabagal na internet connection.
Gaya namn ng tip ni Matiz, magagamit din ang aluminum foil bilang alternatibong wifi booster. Sa tulong ng aluminum foil na nakakabit sa antenna ng router, mapapalakas ang signal lalo na sa loob ng tahanan.
Gusto mo rin ba nang maayos at malakas na internet connection, mag-DIY Wifi Booster ka na!.

Blog Views

Popular posts from this blog

Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!