OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas
Hindi madali ang pagiging isang Overseas Filipino Workers (OFWs). Kailangan nilang tiisin ang hirap at isakripisyo ang lahat para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Kung mayroong mga OFWs na maswerteng nakakauwi sa Pilipinas at nakikita ang mga mahal sa buhay, ang OFWs na ito na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay bin@wian na ng buhay dahil sa kaniyang sakit nang hindi man lamang nakikita ang kaniyang pamilya sa Pilipinas.
Si Marcela ay nakipagsapalaran sa ibang bansa at nagtrabaho sa Saudi Arabia para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan at masuportahan ang bawat pangangailangan ng kaniyang pamilya na naiwan sa Pilipinas.
Nagtrabaho siya ng mabuti at hinarap ng mag isa ang bawat problema na darating sa trabaho at sa kaniyang amo. Dahil sa pagtatrabaho, nabalewala na din ni Marcela ang kaniyang sariling kalusugan. Hindi siya umuwi sa Pilipinas sa loob ng 12 taon para lamang matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyan pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
Sa kasamaang palad, dahil napabayaan ang kalusugan sa kakatrabaho, siya ay nagkasakit kung saan siya ay na-diagnose ng stage 4 c@ncer na dahilan ng kanyang pagkam@tay.
Ngunit, ang mas masakit dito ay hindi man lamang niya nakasama ang kaniyang pamilya sa huling sandali ng buhay niya.
Ang nakakadurog pusong kwentong ito ay ibinahagi ng netizen na si Phublico Eam Aehr. Maraming mga netizens ang naluha at nalungkot sa kwentong ito ni Marcela.
Sa ngayon, wala pang balita kung naiuwi na nga ba ang b@ngkay ni Marcela sa Pinas.
Ayon sa huling ulat, kinakailangan ni Marcela ng tinatayang SAR30,000 o katumbas ng P388,759 para sa kaniyang plane ticket sa Philippine Airlines. Ang ganitong kalaking halaga ay talaga namang mahirap likumin lalo na at humaharap tayo sa pand3mya. Ang problemang ito ay naging dahilan kung bakit hindi nakauwi si Marcela sa kaniyang tahanana.
Dahil dito, tanging video call na lamang nakita ni Marcela ang kaniyang pamilya sa Pilipinas bago pa man siya sumak@b1lang buhay.
Mababasa nyo dito ang kaniyang Post
Iniwan Ang mga Mahal sa buhay pamilya..nakipagsapalaran sa ibang bansa para maisakatuparan mga pangarap sa buhay na...
Posted by Phublico Eam Aehr on Wednesday, September 16, 2020