Dahil Hindi Pinautang ng 10K Panghanda sa Kaarawan ng anak, Galit at M1nura ang Kaibigan

 


Dahil unang kaarawan dapat espesyal, may lechon, cake at dapat catering!

Yan ang naging rason ng kaibigan at bilang ina kaya humihingi ng pabor kay Wina para may panggastos sa unang kaarawan ng kanyang anak.

Mabilis naman na nag trending ang post ni Wina Dalaorao patungkol sa paghingi ng pabor ng kanyang kaibigan na mangungutang para sa birthday ng anak.

Nag private message daw ang babae para makapangutang ng sampung libo upang ipanghanda sa unang kaarawan ng anak nito




Ayon sa laman ng chat ng kanyang kaibigan, na ibinahagi ni Wina , (nakasulat sa pananalitang Cebuano o Bisaya), sinabi nito na ang pera na sana’y kanyang hihiramin ay gagamitin niya pang handa dahil pangit naman daw kung walang handa sa unang kaarawan ng anak at naaawa din siya sa bata

Ang 10k daw ay para sa lechon, cake o sa catering services, ayon pa sa kanya, masyadong maliit lang daw ang 10 na hihiramin dahil malaki naman daw ang sahod ng asawa ni Wina na isang seaman at nagtatrabaho rin siya.

Di naman inaasahan ni Wina na yan ang sasabihin ng kaibigan, dahil malaking halaga na yan at di niya rin alam kung saan kukunin, kaya nagbigay nalang siya ng advise sa kaibigan na gawing simple ang handaan ng kanyang anak.

 

Ngunit masyadong mapilit yung kaibigan niya dahil daw kukuha sila ng catering services, at sa dami daw ng iimbitahan nitong iba pang mga kaibigan ay hindi sapat ang konting handaan lang.




Pahayag pa rin ni Wina sa kaibigan na makuntento nalang sa kung anong kaya na maihanda at wag ng intindihin ang sasabihin ng iba at ng mga dadalo, importanti daw na masaya ang anak nila na siya namang may kaarawan.

Kaya dito na nagalit ang kaibigan niya, dahil di niya pinahiram at sinabihan na siya nito na parang kung sinong mayaman, hindi naman siya maganda.

Hindi lang ganyan minura pa si Wina at sana’y daw ay mamatay nalang daw ito, at lahat ng kung anong meron man siya ngayon ay kukuhanin din sa kanya.

Karma nalang sa kaniya ang hindi pagtulong niya sa kanyang kaibigan.

Marami ang nagreak mula sa mga netizens na nagpahayag din ng kani-kanilang reaksyon at opinyon tungkol sa ibinahaging karanasan ni Wina.




I dont want to post this but you provoke me to do such thing and [dumadami na ang ganitong mga tao!]

Fyi, [hindi ako nagtatrabaho para lang ipahiram ang sahod ko para may pang pa LECHON, CAKE at CATERING ka].

Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it.

[Mayaman daw ako dahil seaman daw ang Tatay ko] hahaha!!!

[Bakit may mga ganitong tao?] you’re so lucky enough cos im still hiding ur face.

God bless you. Advance happy bday imu baby.



Blog Views

Popular posts from this blog

Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas