Dalawang Tsismosa, Hinuli ng Awtoridad dahil sa Paninirang Puri sa kanilang Kapwa


Hinuli ng mga awtoridad ang dalawang ginang na ito matapos maakusahan ang mga ito na nagpapakalat ng tsismis at paninirang puri sa ibang tao.
Ang dalawang babae ay nakilala bilang sina Mary Grace Catapan, 21-anyos at si Jhallyn Gequillo Varga, 35-anyos na taga Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu.


Kaagad namang dinakip ng mga awtoridad ang dalawang babae matapos makatanggap ng go signal mula sa kinauukulan matapos pag-tsismisan at siraan umano ng mga ito sa isang group chat ang nagreklamong si Aileen (hindi niya tunay na pangalan).
Ayon sa ulat, nalaman lamang ni Aileen na sinsiraan na pala siya ng mga ito sa ibang tao sa pamamagitan ng isang group chat simula pa noong taong 2017 hanggang 2018.
Saad ni Aileen,
“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa.”


Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba.)

Ang dalawang babae naman na nadakip ay napag-alaman na mga magulang mga batang nag-aarl sa isang paaralan sa Bogo City kung saan din nag-aaral ang anak ni Aileen.
Pahayag ni Aileen, ang bilang ng miyembro sa ginawang group chat nina Varga at Catapan ay nasa sampo. Kabilang na nga dito ang isa pa na kumuha ng litrato na inilagay sa kanilang group chat upang pag-tsismisan lamang ang pribado niyang buhay.


Nadiskubre din ni Aileen sa naturang group chat na nagbanta pa ang mga ito na isisilid siya sa septic tank at sinasabihan siyang may problema sa utak.
Bukod sa pang-aakusa sa asawa ni Aileen na isang magnanakaw, ang mga miyembro din sa nasabing group chat ay ginagawang katatawanan ang kanilang larawan kung saan ay ine-edit nila ang mga ito.

Isa pa sa mga hindi talaga katanggap tanggap na ginawa ng groupong ito ay pagkuha sa larawan ng kaniyang anak at nilagyan pa ito ng hindi kaaya-ayang caption.
Matapos madiskubre lahat ng tsismis at paninirang puri sa kaniya, hindi nagdalawang isip si Aileen na dumulog sa mga awtoridad para magsampa ng kaso sa grup dahil sa paninirang puri na ginawa sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Ayon naman sa Judge na si Ramon Daomilas Jr., ang dalawang ginang ay maaaring sampahan ng kasong cyber libel. Saad pa niya, ang dalawa ay maaaring pagbayaran ito sa pamamagitan ng pagbabayad ng multa o di kaya ay pagkakakulong sa loob ng anim hanggang dalawang taon.gang dalawang

Pinayagan naman ng korte sa ngayon na makapagpiyansa ang dalawang babae ng tinatayang P36,000.
Ang nangyaring ito sa dalawang babae ay maging aral sana sa mga taong mahilig sa tsismis dyan dahil kailanman ay hindi tama ang manira ng buhay ng ibang tao

Blog Views

Popular posts from this blog

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Matandang Tindero naiyak na lang ng malamang pekeng pera ang binayad sa kanya at hindi makabili ng gamot

Sanggol Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen