Empleyado Binigyan Pabuyang 20k matapos mag Sauli ng Bag na Puno ng Gintong Alahas

 


Sa panahon natin ngayon lahat ay nakakaranas ng krîsîs dahil sa pandémiya, Kaya marami sa atin ang naghahanap ng oportunidad para lang magkapera. Dahil na rin sa tindi ng ating pangangailangan ang iba sa atin ay lahat ay kayang gawin kumita lamang.

Ngunit isang nakakabilib na kwento ang ipinamalas ng isang lalaki na ito na nagsauli ng bag na kanyang napulot umano na naglalaman ng halos 1 milyong piso na halaga ng mga alahas.

Ayon sa Brigada correspondent na si DondeSoria Buenaagua Consuelo, Personal mismong nagputa sa tanggapan ng PNP Camp Wencelao Q. Vinzons, Bragy. Dogongan, Camarines Norte ang lalaking nakapulot ng bag na may laman na alahas na tinatayang 800,00 pesos.


Nakilala ang Lalaking good samaritan na si Ener B. Rojo , nagtatrabaho bilang isang job order no. Employee ng engineering office. si Ener ay residente ng Barangay 3 Daet Camarines Norte.

Ayon kay Ener, Napansin niya umano ang isang bag na naiwan sa may labas ng isang lotto outlet kaya naman agad niya itong kinuha at personal na dinala sa tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao upang isauli sa may-ari.



Napag-alaman din na si Ener ay isang empleyado ng Kapitolyo ng Camarines Norte at ayon sa nabanggit kanina siya isang Job order employee ng Engineering Department.

Ayon naman kay PCol Marlon Tejada , PNP Provincial Director ng Camarines Norte, Mas pinili daw umano ni Ener na isauli ang kanyang napulot na bag kaya naman siya mismo ang nag turn over nito upang personal na ibalik sa may-ari.



At ng ma-iturn over na ni Ener ang bag na kanyang napulot na bag na naglalaman ng mga mamahaling alahas siya mismo ang nag-abot nito sa may-ari na nakilalang si Mrs. Arceli Apolinario, isang senior citizen at residente rin ng Camarines Norte,

Labis ang pasasalamat ng may-ari na si Mrs. Arceli sa katapatan at kabutihan ni Ener sa pagbalik ng kanyang bag at dahil dito nag bigay umano siya ng pera kay Ener ng dalawampung libong piso (20,000) bilang pabuya sa pagsauli sa kanya ng bag.



Binigyan din nang pagkilala ni PCol Tejada ang katapatan na ipinamalas ng nasabing kawani ng kapitolyo.

Ang ginawang katapan ni Ener ay isang pagpapatunay na kahit gaano kahirap ang ating buhay ngayon ay may mga tao pa din na likas ang kabutihang loob at mas pinili pa rin gumawa ng kabutihan.

Marami naman ang natuwang netizen sa ginawang katapan ni Ener dahil dito ang ilan ay nagpaabot ng mga mensahe at reaksyon.

“Salute Sir, Good Job. Sobrang bait at tapat sana`y tularan ka ng marami. Panginoon na ang mismong babawi sayo ng kabutihan”.

“Dapat iregular na si Kuya sa kapitolyo dahil sa ginawa niya ipinakita na isa siyang empleyado na katiwa-tiwala, Good Job sir”

“God Bless Kuya Ener, nawa`y marami kang ma inspire at ikaw sana ay tularan”.

Blog Views

Popular posts from this blog

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Pinay na nasa Canada na kinuha ang kaibigan bilang isang yaya nalaman na inaasawa pala ang mister

Batang Pinagdamutan na Makinood sa Kapitbahay Noon Ginulat ang marami sa pag Asenso nito sa Buhay 18 Years makalipas

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines