Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas



Mabilis na naglalakad pauwi si Narciso kahit kita sa kanyang lakad na pa-ika-ika ang sakit at hirap na nararamdaman habang buhat-buhat ang mabibigat na sako na ang laman ay ang kanyang kalakal na nakuha sa araw na iyon.

Kahit pa nadudulas dulas sa mga dinadaang eskinita pauwing bahay si Narciso ay kanyang binaliwala ito makauwi lamang sa kanilang barong-barong.

Nagsimula naman na si Narciso na bungakalin ang kanyang nakalakal upang isalansan at paghiwalayin ang mga bote, yero, bakal at dyaryo na kanyang nakuha.


Ngunit sa kalagitnan ng kanyang pagbubungkal ay umagaw sa kanya ng pansin ang isang pulang bag.

Bigla niyang naalala na nakuha niya ito sa labas ng ospital at sinuksok niya na lamang ito sa sako dahil bumuhos bigla ang malakas na ulan.

Nang kanya itong buksan, Laking gulat niya kasabay manlaki ang bata bumungad ang sandamakmak at makapal na bilang ng pera na puro lilibuhin, sa talambuhay niya ay ngayon lamang siya nakakita at nakahawak ng ganong pera.

Narciso: “Panginoon! Ito na po ba ang biyaya na lagi kong pinagdarasal”.

Nangangatal pa siya habang binubusisi ang bag at sa kanyang paghalungkat nito ay nakita niya rin ang isang wallet na puno ng credit card at mga ID na may pangalan na tiyak niya na yon ang may-ari nito, ang pangalan ng nasa ID ay Ryan L. Garcia.

Napaisip siya at napatingin sa pera sabay lingon sa kanyang anak na mahimbing nanatutulog.

“Kung nasa akin tong pera mapapagamot ko na si Micheal sa espesyalista” (bulong sa isip ni Narciso).

“Pero mali ito, hindi amin itong pera at baka mas lalong kailangan to ng may-ari”. (patuloy na takbo ng isip ni Narciso).

Itinago muna ni Narciso ang bag at biglang nahiga upang matulog ngunit halos hindi siya nakatulog sa kaiisip tungkol dito.

Micheal: “O tay, bat parang hindi kayo nakatulog tignan niyo po ang maya niyo, bat parang aga niyo rin bumangon”

Narciso: “Nakatulog naman nak, talagang maaga lang ako gumising dahil may pupuntahan ako” (wika ng ama sa kanyang anak).

Micheal: “Saan naman ho kayo pupunta tay” (tanong ni micheal).

Narciso: “Basta anak mag ayos ka nalang at aalis tayo ng maaga”. (sambit nito sa anak at pag-aya).

At nagpunta nga sila sa isang ospital, maya-maya nga lang ay nakarating sila sa kanilang destinasyon ang San Juan Medical Center.

Micheal: “Tay, anong ginagawa natin dito sa ospital, ipapa check-up niyo na po ba ako sa mga doctor?”. (Pag-aasam sa mata ni Micheal na tatlong taon nang hindi nakakalakad).

Hindi naman sumagot si Narciso sa tanong ng kanyang anak, nang makadating sila sa information ay tinanong agad ni Narciso ang nurse na “Maari po bang makausap si Dr. Ryan Garcia?”.

Nurse: “Sino po sila?”

Narciso: “Ako po si Narciso Castillo, May gusto lamang po akong isauli kay Doc. Garcia”.

Iba naman ang tingin sa kanya ng nurse kaya naman nanliit si Narciso sa kanyang sarili lalo na at napakasimple lamang ng soot nilang mag-ama ngunit hinayaan niya nalamang ito.

Kahit nagaalangan ang nurse ay sinamahan niya parin ito sa doktor.

Doc. Garcia: “Magandang umaga, Ano po ba ang maipaglilingkot ko sainyo? Ipapakonsulta niyo po ba siya?” bungad ng batang doktor habang nakaturo kay Micheal.

Narciso: “Nako ho Doc. Hindi po nandito po ako para po ibalik sainyo ito” (paliwanag ni narciso habang inilalabas ang pulang bag na pagmamay-ari ng doktor).

Biglan nanlaki ang mata ng doktor at ngiti sa mga mata ang kagalakan ng makita niya ito.

Doc.Garcia: “Diyos ko po ang Bag ko!, Maraming-maraming salamat po sobra talaga hindi ko akalain na maibabalik pa ito sa akin”.

Doc. Garcia: “Sa ginawa niyong ito sir, paano ho ko ba kayo mapapasalamatan”. (Wika ng doktor kay Narciso).

Narciso: “Wala po Dok, hindi na po kailangan yon ginawa ko po yon na ibalik dahil niyon po ang tama!”. (sagot ni Narciso habang nakangiti).

Nang lingunin ni Narciso ang anak ay nakita nito na sobra ang saya ng kanyang anak at malawak ang ngiti nito, na tila ba nagsasabing masaya siya sa ginawa ng ama at proud siya dito.

Doon napagisip-isip ni Narciso na tama ang kanyang naging desisyon.

Micheal: “Bakit niyo pa ako sinama tay? E kaya niyo naman pong ibalik yon mag-isa.”

Narciso: “Alam mo anak kaya sinama kita ayoko kasing magbago ang desisyon ko, kaya pag nakikita kita alam kong ang gagawin ko ay tama”.

Micheal: “Tama ginawa niyo Tay, tulad ng sinasabi niyo palage ni nanay diba ‘di bali ng mahirap basta marangal naman”.



Masaya naman si Narciso na nakikita niya na malinis ang pananaw ng kanyang anak sa buhay, kinabukasan naman ay nagulat amg mag-ama ng sunod sunod ang kumakatok sa kanilang barong-barong.

Paglabas nila ay bumungad ang isang ambulansya at lumabas ang isang mukha na sa kanila ay pamilyar, walang iba kundi si Doc. Garcia.

Narciso: “Dok, ano hong ginagawa niyo rito?” (pagtatanong sa doktor).

Doc. Garcia: “Gusto ko hong makabawi sainyo Mang Narciso, napakalaki hong utang na loob ko sa inyo, may doktor ho akong kakilala na tiyak kong makatutulong sainyong anak”. (wika ng doktor)

Hindi makapagsalita sa tuwa si Narciso, at nasa isip niya ay dininig na ng langit ang kanyang hiling.

Doc. Garcia: “Natutuwa po kasi ako na kahit sa ganitong sitwasyon niyo na kailangan niyo ng pera ay hindi niyo ho nagawang itago ang pera at mas pinili niyo na ibalik ito sa akin. Kaya naman ho dapat lamang po na bigyan kayo ng gantimpala sa kabutihang loob niyo”.

Tuluyan ng umiyak at humagulgol si Mang Narciso sa sobrang tuwa at galak.

Doc. Garcia: “Pinapangako ko ho sainyo na gagaling ang anak niyo ay makakapamuhay siya muli ng normal”.

Nagulat pa sa sunod na sinabi ng doktor si Narciso.

Doc. Garcia: “At dagdag pa ho diyan hinanapan ko na din po kayo ng trabaho sa ospital Mang Narciso at kahit simula po bukas ay maari na kayong mag-umpisa”.

Sobra ang pasasalamat ni Narciso sa doktor habang nakayakap ito dahil natupad na ang kanyang hiling na maipagamot ang kanyang anak. Lumapit naman siya sa kanyang anak at itinulak ang wheelchair patungong ambulansya.

Narciso: “Anak dininig na ng Diyos ang hiling natin! Gagaling kana”.

Masayang-masaya si Narciso kahit pa man pinalampas niya ang ‘swerte’ na dumating sa kanyang buhay dahil sa pagbalik ng napulot na pera, ay may kaakibat naman itong biyaya na mula sa itaas at higit pa sa pera ang naging kapalit nito.

Blog Views

Popular posts from this blog

Nanalo sa Lotto ng $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak para hindi Abusuhin at ‘di Mahingian ng Balato

Welcome Plant naging Sanhi ng pagkawala ng Alagang Aso ng isang Netizen

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream