Mangga na inuulam sa Kanin talaga namang katakam-takam hindi ba?

 


Pambansang prutas kung ituring sa Pilipinas. Maaaring berde o di kaya naman ay dilaw ngunit minsan ay mayroong mala-kulay pula. Minsan ay napakatamis, minsan naman ay napakaasim. Talaga namang mananakam ka sa sarap ng mangga! Manggang hinog man o manggang hilaw tiyak na kasasabikan mo lalo na kung ikaw ay laki sa Pilipinas.



Madalas na hiling ng mga kababaihang buntis ang manggang hilaw na mayroong kasamang bagoong sa kanilang mga mister. Habang sarap na sarap naman ang maraming mga Pilipino sa tamis ng manggang hinog na madalas ay pinapapak lamang, o di kaya naman ay hinahalo sa mga panghimagas.


Ngunit alam mo bang maaari din pala itong iulam? Kakaiba mang maituturing ngunit katakam-takam ito para sa maraming mga Pilipino.
Nakasanayan na kasi ng ilan sa atin ang kumain ng mangga at gawing ulam ito sa mainit na kanin. Hindi na nakapagtatakang mag-viral ang post ng netizen na si Dijay Lopez.
Nagbahagi lang naman siya ng isang larawan ng platong mayroong kanin habang nakakatakam na mangga naman ang ulam. Nilagyan niya ito ng caption na nagsasabing:


Hahahaha. Bahala kayo basta ako nasasarapan ako iulam iyong mangga sa kanin,” komento ni Dijay sa kanyang viral post.
Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umani na ang naturang post ng 6,000 na mga reactions, 760 na mga comments, at 23,000 na mga shares. Maraming mga netizens ang talaga namang natakam at nagutom dahil sa post na ito.

Kaniya-kaniya sila ng mga reaksyon at komento patungkol sa pag-uulam ng mangga at sa kung gaano talaga ito kasarap. Tunay nga na sa mga panahon ng krisis ay talaga namang kayang-kaya makaraos ng maraming Pilipino.
Sinong mag-aakala na ang nakasanayan nating panghimagas ay maaari din palang maging ulam, hindi ba? Tiyak na mas marami pang mga Pilipino ang mahihikayat na kumain ng nakakatakam na prutas nating ito, hindi lamang panghimagas kundi pang-ulam na din.

Blog Views

Popular posts from this blog

Milyones pala ang Halaga ng Batong ito Napulot nya sa Dalampasigan na talagang Kinagulat nya

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Celpon na Mataas ang Brightness Resulta Babae nagkaroon ng 500 Butas sa Cornea.

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!