Matandang Tindero naiyak na lang ng malamang pekeng pera ang binayad sa kanya at hindi makabili ng gamot

 


Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang mga taong mapanlamang sa kanilang kapwa. Lalo na yung mga walang pinipiling edad o sitwasyon ng kanilang biktima basta ay makapanloko lamang.

 

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang matandang tinderong ito na nanlumo at naiyak na lamang sa nakakalungkot na nangyari sa kanya.


Ayon sa Nepali News, ang naturang lalaki ay mula sa West Sumatra na nabiktima ng kanyang customer ng nagbayad ito ng pekeng pera.



Ang nakakalungkot pa ay gagamitin sana niya ang kinitang pera para bumili ng gamot para sa kanyang asthma sa malapit na pharmacy.


Masaklap pa dahil doon na lamang sa pharmacy niya nalaman na peke pala ang perang hawak niya ng hindi ito tinanggap ng kahera.


Wala ng nagawa ang hindi pa pinapangalanang matanda kundi ang umalis na lamang na tumutulo ang mga luha.


Ayon dito, nagsisikap daw siya na magbenta ng mga gulay para may pantustos sa kanyang medisina kaya hindi niya sukat akalain na maloloko pa siya.

Dagdag pa ng matanda ay may diperensya rin ang kanyang mata kaya hindi niya napansin na peke pala ang ibinayad sa kanya na Rp50,000 na Indonesian Currency dahil kapareho ito ng kulay at haba sa tunay na pera.



Nakakalungkot isipin na sa matanda niyang edad ay kinakailangan pang maranasan ni tatay ang kagaya nito. Sadyang hindi makatarungan ang ginawang ito sa kanya.


Masaklap lang isipin na mayroon pa ring mga tao na masisikmurang mang-biktima ng kanilang kapwa. Sana ay itigil na ang gawaing ito dahil wala naman itong maidudulot na maganda.

Blog Views

Popular posts from this blog

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines