LOOK: Scary Moment ngayon para sa Bagyong Ulysses
Scary Moment ngayon para sa Bagyong Ulysses. Halos napaka kapal ng kaulapan ngayon sa paligid ng Bagyo. Kaya asahan ang malalakas na pag ulan at hangin at higit sa lahat ang patuloy pang paglakas.
As of 8:28 AM sa Bagyong Ulysses. Halos nasa hilagang bahagi lamang ito ng #Catanduanes,#CamarinesSur at #CamarinesNorte. kaya naman asahan doon ang malalakas na hangin at ulan.
LOOK: Zoom in satellite sa sentro ng Bagyong Ulysses ngayong 8:51AM.
Lumakas pa at isa na ngayong ganap na Typhoon Category ang Bagyong Ulysses at kasalukuyang taglay ang lakas ng hanging umaabot na sa 120 kph at pagbugsong umaabot na sa 175 kph. Kumikilos ito ngayon sa bilis na 20 kph sa direksyong pakanluran.
Inaasahang lalakas pa ito ng bahagya kapag nasa hilagang bahagi na ito ng #CamarinesNorte.
Kasalukuyang hinahagupit ng eyewall nito ang #BicolRegion ng malalakas na hangin at ulan.
Mata nga bagyong Ulysses, mas nagiging clear habang papalapit sa kalupaan ng #Luzon. Eyewall kasakukuyang nananalasa sa #Catanduanes,#CamNorte at #CamSur.
Courtesy: Philippine Weather System/Earthquake Update