Harang sa likod ng mga magsasaka, mabisang pananggalang sa sobrang init ngayong tag-init!

 


Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang mga taga-Luzon kundi maging ang mga Pinoy na naninirahan sa Visayas at Mindanao.



Bigas o kanin kapag nailuto na ang isa sa mga pangunahin nating pagkain. Hindi makakatiis ang isang Pilipino na hindi kumain ng kanin sa loob ng isang araw.

Napakasarap naman kasi talagang kumain lalo na at marami ding masasarap na putahe dito sa ating bayan. Nakakalungkot lamang isipin na sa panahon natin ngayon ay madalas na marami ang nag-aaksaya ng pagkain.

Sa maraming mga bahay, gayundin naman sa ilang mga negosyo at establisyemento. Hindi natin namamalayan na marami nang nasasayang na butil ng bigas rin sa ating kapabayaan.

Napakahirap ng kalagayan ngayon ng marami sa ating mga magsasaka dahil sa matinding init ng panahon. Panahon na naman kasi ng tag-init at talagang matindi na rin ang epekto nito sa ating kalusugan hindi katulad noon.

Marami na rin ang nagkakasakit sa balat dahil sa masyadong pagkakabilad sa ilalim ng araw. Kamakailan lamang ay kumalat ng husto ang larawan na ito ng ilang mga magsasaka na mayroong harang sa kanilang mga likuran upang maprotektahan sila sa matinding sikat ng araw.

Umani ito ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko. Ilang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga komento na diumano ay maaari pala itong magawa ngunit hindi nila ito naisip noon.

Marahil ay hindi na masusunog pa ang kanilang mga balat, lalo na ang kanilang mga mukha. Marami din naman ang mga netizens na nagsabing magiging mahirap at sagabal lamang ang paglalagay nito sa likuran dahil sa halip na maging mabilis ang pagtatanim ng palay ay tiyak na maaapektuhan nito ang kanilang trabaho.

Maliban dito ay maaari din diumanong liparin sila lalo na kung magkakaroon ng malakas na hangin. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 3.1 libong reaksyon ang mga ito at 4.2 libong mga shares.

Blog Views

Popular posts from this blog

Pinay na nasa Canada na kinuha ang kaibigan bilang isang yaya nalaman na inaasawa pala ang mister

Batang Pinagdamutan na Makinood sa Kapitbahay Noon Ginulat ang marami sa pag Asenso nito sa Buhay 18 Years makalipas

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Mag-ama na natutulog sa nakalutang na basura sa isang estero, umantig sa puso ng publiko!

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines