Batang May Hika, Ginagamitan Ng Tire Pump Dahil Walang Pambili Ng Nebulizer
Mahirap at magastos talagang magkasak!t. Kaya hanggat makakaya ay dapat nating alagaan ang ating mga sarili. Ngunit mayroong mga sak!t katulad ng asthma na nakukuha mula pagkasilang pa lamang o inborn. Kaya naman ang gamot o maintenance para sa mga ito ay talaga namang mabigat sa bulsa. Ang 8 taong gulang na bata na si Lee Begnotea ay na-diagnosed na mayroong bronchial asthma noong siya ay 2 taong gulang pa lamang. Kaya sa tuwing naeexpose siya sa mga allergens at inaatake siya nito ay nahihirapan siyang huminga. Ngunit imbes na nine-nebulize sana siya ay gumagamit na lamang ang kanyang ama ng tire pump o pambomba ng gulong na ikinonekta sa tubing patungo sa nebulizer cup at mouthmask. Sa paraan kasi na ito ay nadi-difuse ang nebule upang hindi na mahirapang huminga si Lee Noon ay mayroong ginagamit na nebulizer ang bata ngunit simula ng masira ito ay hindi na ito napalitan gawa ng kapos sila sa pera lalo na't ang kanyang ama ay kakaunti lamang ang kin...